Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawa sa blogger/journalist na si Sass Rogando Sasot habang binibigkas ang kaniyang talumpati sa harap ng graduationg students ng Southern Philippines Institute of Science and Technology sa Cavite noong Biyernes, Hunyo 3.

Hindi umano nagustuhan ng may-ari ng venue ng graduation, na isang transgender at tagasuporta ni President-elect Bongbong Marcos, ang magbibigay ng commencement speech sa mga mag-aaral. Bago pa pumalaot sa katawan ng kaniyang talumpati ay sinabi na ito ni Sasot sa lahat.

Ayon kay Sasot, isang araw bago ang graduation ceremony na ito ay nagbanta na raw ang may-ari ng venue na ipatitigil ang graduation ceremony kapag itinuloy ng SPIST na gawin siyang commencement speaker. Pinuri niya ang paaralan dahil sa kabila ng mga pagbabantang papatayan siya ng sound system ay ipinagpatuloy pa rin ang pagtitiwala sa kaniyang magbigay ng inspirasyon sa mga mag-aaral na magtatapos.

Kaya habang nagtatalumpati si Sasot ay pinatayan siya ng ilaw. Hindi na rin siya narinig dahil pinatay na rin ang sound system upang hindi niya magamit ang mikropono.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi naman nagpatinag si Sasot at itinuloy ang talumpati. Binuksan na lamang ng mga mag-aaral ang flashlight ng kanilang mga hawak na cellphone at itinutok kay Sasot upang matanglawan ito, na patuloy pa rin sa pagsasalita kahit walang mikropono.

Maya-maya, isang staff ng venue ang umakyat ng entablado at pilit na pinababa umano ang blogger. Hindi na rin natapos ang graduation ceremony.

Ang venue ay pagmamay-ari ng isang religious group.

Samantala, panoorin ang naturang pangyayari via TikTok na ibinahagi ni toni_holy.