Pinag-uusapan ngayon ang posibilidad na si beauty queen-turned actress Ruffa Gutierrez ang napipisil na gumanap bilang si dating First Lady Imelda Marcos, sa proyekto ng Viva Films na 'Maid in Malacañang', sa direksyon ni Darryl Yap.

Kamakailan lamang ay naispatan ang direktor ng Vincentiments at Senadora Imee Marcos kasama ang mga big boss ng Viva Films para sa pitching ng naturang pelikula. Aprubado naman daw ito.

"Maraming Salamat sa aking Viva Entertainment family, to the del Rosarios, Tita June Torrejon-Rufino and to all my bosses!" pasasalamat ni Direk Darryl.

Layunin ng pelikula na maipakita ang 72 hours na mga kaganapan sa loob ng Palasyo bago ang EDSA People Power Revolution I na nakapagpababa sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na siyang ama ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr, at Senadora Imee.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon sa direktor ng Len-Len series, The Exorcism of Len-Len Rose, at Baby M, hindi ito historical revisionism kundi TOSOT o 'The Other Side of the Story'.

Anyway, sabi ng direktor ay may final casting na raw sa Hunyo 3. Ngayong Hunyo 4, nagbigay ng pasilip ang direktor sa nagaganap na pagpupulong nila ng Viva bosses, at nakita sa litrato ang pangalan ni Ruffa bilang Imelda Marcos, na makikita sa TV.

Screengrab mula sa FB/Darryl Yap

Hindi pa ibinubunyag kung sino naman ang gaganap na yumaong Ferdinand Marcos at iba pa niyang kapamilya, gayundin ang 'Maid in Malacañang'.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o kumpirmasyon si Ruffa tungkol dito.