Naglabas ng opisyal na pahayag ang presidente at CEO ng paaralang nag-imbita kay blogger/journalist Sass Sasot upang maging commencement speaker sa graduation ceremony nitong Hunyo 3, hinggil sa nangyaring insidente.

Hindi umano nagustuhan ng may-ari ng venue ng graduation na miyembro ng religious group na 'Church of God' na isang transgender at tagasuporta ni President-elect Bongbong Marcos, ang magbibigay ng commencement speech sa mga mag-aaral, kaya habang nagtatalumpati si Sasot ay pinatayan siya ng ilaw. Hindi na rin siya narinig dahil pinatay na rin ang sound system upang hindi niya magamit ang mikropono.

Maya-maya pa, nilapitan siya ng isang staff at pinakiusapang bumaba na siya sa entablado. Hindi na rin natuloy ang graduation rites.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/sass-sasot-pinatayan-ng-ilaw-sound-system-habang-nagtatalumpati-sa-isang-graduation-ceremony/">https://balita.net.ph/2022/06/04/sass-sasot-pinatayan-ng-ilaw-sound-system-habang-nagtatalumpati-sa-isang-graduation-ceremony/

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon sa opisyal na pahayag na may titulong "Official statement regarding Graduation ceremony incident," humingi ng paumanhin si Dr. Erlinda S. Manzanero, President and CEO ng Southern Philippines Institute of Science and Technology sa Imus City, Cavite, sa mga mag-aaral ng HUMSS at TVL strands sa Senior High School, gayundin sa kani-kanilang mga magulang.

"What transpired yesterday was beyond our control. We are deeply sorry for the inconvenience it caused, and we understand your frustration because you've waited for this event but suddenly the thrill and excitement was lost," bahagi ng pahayag.

Tinitiyak daw ng pamunuan ng paaralan na liable o pananagutin nila ang mga taong naging dahilan ng pagkasira ng momentum ng graduation ceremony "which can be characterized as an attack to our institution causing damage against SPIST, graduates, parents, and respected guests."

Ibinigay naman ni Manzanero ang tatlong bagay na kailangang panagutin ng mga kinauukulan upang masira ang kanilang graduation, kabilang na ang pagpapahinto sa talumpati ni Sasot.

"We will release an official announcement on the re-schedule of the post-graduation and its details," dagdag pa.

Larawan mula sa opisyal na Facebook page ng Southern Philippines Institute of Science & Technology

Samantala, wala pang opisyal na pahayag na inilalabas ang pamunuan ng venue na pinagganapan ng graduation ceremony.