Bumuo na ng task force ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang seguridad para sa inagurasyon nina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, hahawakan ng Security Task Group Manila ang mga preparasyon sa seguridad sa panunumpa ni Marcos habang ang Security Task Group sa Davao ang hahawak sa seguridad para sa panunumpa ni Duterte.

Dagdag pa nito, wala silang namontor ng anumang banta sa seguridad na kaugnay sa inagurasyon nina Marcos at Duterte sa kabila ng mga pagsabog sa Basilan at Sultan Kudarat, kamakailan.

“Nonetheless, we are not complacent and we continuously conduct intelligence monitoring and gathering to ensure that we would not be caught off guard by any eventuality that could disrupt the inauguration of the top two officials of our country,” ani Fajardo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang inanunsyo ng kampo ni Marcos na magaganap ang inagurasyon ng president-elect sa National Museum sa Maynila sa Hunyo 30.

Mauuna lamang ang panunumpa ni Duterte na magaganap sa Hunyo 19 sa Davao City.