Naglabas ng opisyal na pahayag ang presidente at CEO ng paaralang nag-imbita kay blogger/journalist Sass Sasot upang humingi ng paumanhin sa ginawang pagpapalayas sa kaniya bilang commencement speaker sa graduation ceremony ng Senior High School students ng Southern Philippines Institute of Science and Technology (SPIST) sa Imus City, Cavite
Naimbitahan ng paaralan si Sasot upang maging commencement speaker sa graduation ceremony nitong Hunyo 3, ngunit tila nauwi sa kalungkutan ang masaya sanang pagtatapos, dahil pati ang seremonya ay ipinatigil.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/cancelled-na-si-sass-sasot-idinetalye-mga-nangyari-sa-grad-ceremony-incident-may-kakasuhan-ba/">https://balita.net.ph/2022/06/04/cancelled-na-si-sass-sasot-idinetalye-mga-nangyari-sa-grad-ceremony-incident-may-kakasuhan-ba/
"Dear Ms. Sass, no words can express how much we were hurt by the unexpected turn of events in relation to our invitation to you as a guest speaker at our Senior High School Graduation Exercises Batch 2022," ayon sa presidente at CEO ng paaralan na si Dr. Erlinda S. Manzanero.
"I want to convey our sincerest apology to you for the unprofessional reception we both got from COG."
"We are hoping that SPIST may continue to have a harmonious relationship with you," saad pa ni Manzanero.
Tumugon naman dito si Sasot.
"To Southern Philippines Institute of Science & Technology_Official, wala po kayong dapat na paghingaan ng patawad sa akin. Bagkus ako pa ang nagpapasalamat na ipinakita ng inyong admin, mga guro, mag estudyante, at mga magulang ang tunay na liwanag sa dilim. Wala pong katumbas ang inyong pinakitang tapang na panindigan na ako ang inyong gawing guest speaker. Maraming salamat po!"
Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Church of God Dasmariñas tungkol sa naganap na insidente, sa pamamagitan ng senior pastor na si Bishop Anthony V. Velasco, DD. h.c.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/cog-dasma-sumagot-na-sa-pagpapalayas-kay-sass-we-cannot-allow-our-pulpit-to-be-desecrated/">https://balita.net.ph/2022/06/04/cog-dasma-sumagot-na-sa-pagpapalayas-kay-sass-we-cannot-allow-our-pulpit-to-be-desecrated/
Bago ang apology kay Sass ay naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang SPIST tungkol sa kanilang panig.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/presidente-ng-paaralang-nag-imbita-kay-sass-sasot-para-sa-graduation-ceremony-may-opisyal-na-pahayag/">https://balita.net.ph/2022/06/04/presidente-ng-paaralang-nag-imbita-kay-sass-sasot-para-sa-graduation-ceremony-may-opisyal-na-pahayag/