Kumikilos na ngayon ang Kamara para tulungan si president-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na muling mapasigla ang ekonomiya ng bansa at putulin ang 'sungay' ng korapsyon sa gobyerno.

Sa isang privilege speech, nanawagan si Northern Samar Rep. Paul Daza kay incoming finance secretary Benjamin Diokno na italaga ang mga mahuhusay na tao sa gobyerno. 

Hinimok niya si Diokno na pamahalaan nang husto ang Bureau of Customs at siguraduhin na ang mga kawani nito ay nakatuon sa paggawa ng mabuti para sa kalagayan ng bansa at ng mga Pilipino.

Ang pahayag ay ginawa ng kongresista matapos maiulatna may isang grupo sa Samar nabinubuong mga brokers at fixers na nagtatrabaho sa loob mismo ng BOC.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nagbabala si Daza na kapag ito ay hindi inaksiyunan, sisirain nito ang magagandang mga adhikain ng Marcos government, lalo na ngayong ang bansa ay nagsisikap na makabangon at mapataas ang economic growth rate ng Pilipinas, at makahanap ng mga trabaho para sa mamamayan na naapektuhan ng pandemya.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang improvement sa koleksiyon ng revenue at kahusayan sa pagkakaloob ng serbisyo publiko ay dinidiktahan ng kalidad, value, at commitment ng mga tao na nagtatrabaho sa pamahalaan.

 “Let the historic win of President-elect Bongbong Marcos and VP Sara Duterte be another point in our history as a nation, where we, under one flag, can improve revenue collection by ridding our bureaucracy of misfits and scalawags,” ayon sa kongresista ng Samar.