Tahimik pa rin ang dating ABS-CBN journalist na si Charie Villa tungkol sa kasong isasampa laban sa kaniya. Gayunman, sa kaniyang panibagong post, tila pinaninindigan lamang niya ang ipinost niya nitong Biyernes, Hunyo 3.
Sa kaniyang panibagong Facebook post, ishinare lamang niya ulit ang post niya nitong Biyernes at walang nakalagay na kahit anong caption.
Matatandaan na umalma ang ilan sa mga personalidad na napabilang sa listahan ng mga umano'y fake news peddler.
Kabilang dito sina Darryl Yap, Jam Magno, Mark Lopez, at RJ Nieto ng Thinking Pinoy.
Sasampahan umano ng kaso ni Atty. Darwin Cañete, kilalang tagasuporta ni President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte, si Villa dahil kabilang siya sa listahan.
Sa isang tweet ni Cañete nitong Biyernes, Hunyo 3, tila humingi siya ng tulong sa isang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio kung paano masasampahan ng kaso si Villa.
“@canete_darwinBoss, good afternoon. Just finished my research on the feasibility of filing libel and cyberlibel charge against Charie Villa re: her FB posts. It’s a go. Let’s sit down soon next week. Yeah ba!!” ani Topacio.