Sumasang-ayon umano si outgoing Senate Minority Leader Franklin Drilon sa mga pahayag ni Senate Majority Leader at incoming Senate President Juan Miguel Zubiri na mag-aral nang mabuti ang bagong halal na senador na si Robin Padilla, lalo’t mahahalagang komite sa senado ang nakareserbang pamamahalaan niya.
"I join the incoming Senate President Miguel Zubiri when he said that 'Mag-aral nang Mabuti'", ani Drilon sa panayam sa 'Headstart' ng ABS-CBN News Channel o ANC noong Hunyo 2.
Matatandaang sinabi ni Zubiri na nakareserba na umano para kay Padilla ang chairmanship ng dalawang komite sa Senado: ang Committee on Constitutional Amendments at Revision of Codes at Committee on Public Information and Mass Media.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/02/migz-zubiri-pinayuhan-si-robin-padilla-mag-aral-nang-mabuti/">https://balita.net.ph/2022/06/02/migz-zubiri-pinayuhan-si-robin-padilla-mag-aral-nang-mabuti/
"That is a very clear advice that I join the incoming senate president as our message to Senator-elect Robin Padilla… this requires legal knowledge, and not only legal knowledge, you must have exposure to the Constitution," dagdag pa ni Drilon.
Samantala, hindi pa rin pinal ang paghawak ni Padilla sa nasabing posisyon dahil ayon kay Zubiri ay pagbobotohan pa rin ito ng mga miyembro ng Senado.
Sa kaniyang Facebook post nitong Hunyo 3 ay nagpasalamat naman si Padilla kay Zubiri. Ipinagdiinan ni Padilla na ang kaniyang magiging political adviser ay si Atty. Salvador Panelo.
"Maraming-maraming salamat po sa inyo incoming Senate President Migz Zubiri sa inyong pagtitiwala," ani Padilla.
"Asahan n'yo po na pag-aaralan po namin mabuti ang mga komite na inyong ipinagkatiwala sa akin. Kasama po ang aking idol na si Secretary AStty. Salvador Panelo at aming legislative team, Itataas po namin ang antas ng serbisyo at katotohanan sa mga komite na ito."