Iminungkahi ni Senate committee on energy chairman Win Gatchalian na dapat may sapat na karanasan sa industriya ang susunod na kalihim ng Department of Energy (DOE) at may pangmatagalan pang plano para sa seguridad ng enerhiya sa bansa.

"Ang susunod na DOE secretary ay dapat may ‘di matatawarang integridad. Siya rin ay dapat may taglay na technical expertise at karanasan sa buong industriya na magpapatupad ng mga hangarin ng gobyerno tungo sa energy transition, energy security and sustainability,” hirit ng senador.

Inilahad ng senador na ang bagong magiging pinuno ng DOE ay dapatlaging handa sa anumang nangyayari sa pandaigdigang pamilihan namaaaring makaapekto sa presyo at suplay ng mga produktong petrolyo, tulad ng nararanasan ngayon.

“Hindi ito ordinaryong sektor. Mahirap sumabak dito kung walang sapat na kakayahan at karanasan ang uupo sa puwesto, lalo na’t isinusulong natin ang mga kinakailangang reporma,” paliwanag ng senador.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Matatandaang inihayag ng kampo ni President-elect Ferdinand na magtatalaga ito ng panibagong kalihim ng DOE kung saan kabilang sa pagpipilian sina Party-list Rep. Rodante Marcoleta, dating presidential spokesperson Rigoberto Tiglao at Atty. Karen Jimeno na undersecretary ng Department of Public Works and Highways.