Dahil sa pamosong kagandahan at dinadayo ng mga lokal at banyagang turista, nakatanggap ng pagkilala ang Boracay Island para sa taong 2022.
Itinala ng Hospitality.net ang Boracay bilang isa sa "Top Destinations for Most Sustainable Stays in 2022."
"Boracay is now responsibly welcoming visitors again, managing volumes with a daily tourist limit. The island has also implemented an array of sustainable eco-tourism practices, including the adoption of electric tricycles, and now relies on solar power as their main energy source, seeking to ensure a long and healthy future," ayon sa ulat ng naturang kumpanya.
Binanggit din na matapos ang anim na buwang pagsasara dahil isinagawang rehabilitasyon, muli na namang naging aktibo ang isla sa pagtanggap ng mga turista.
Noong Abril, iminungkahi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magpatupad ng QR code system upang maiwasang maulit ang insidente ng overcrowding sa Boracay.
Idinahilan din ng gobyerno na kaya nila ipinatutupad ang itinakdang carrying capacity upang mapangalagaan ang kapaligiran ng isla.