Tinatayang nasa 350 rehistradong solo parents ang nakatanggap ng halagang P2,000 financial assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Navotas nitong Biyernes, Hunyo 3.

Ang ayuda ay bahagi ng programang “Saya All, Angat All Tulong Pinansyal” ng Navotas na.

Ito na ang ikalawang batch ng mga benepisyaryo. Una nang nakatanggap ang nasa 200 solo parents noong Marso.

Sa serye ng mga larawang ibinahagi ng Navotas City Public Information Office, makikitang present sa financial assistance distribution si lone Navotas Representative at incoming Mayor John Rey Tiangco.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa mga residente ng Navotas na nais mapabilang sa susunod na batch, hinikayat ng pamahalaang lungsod ang mga solo parents na mag-apply o mag-renew ng solo parent ID at sumailalim sa validation ng City Social Welfare and Development Office.

Ang gusali ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Navotas City Hall, Annex building.