Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na listahan ng mga umano'y fake news peddler na kung saan kabilang ang dating editor-in-chief ng Manila Standard na si Jojo A. Robles na pumanaw noong 2019.
Kumalat ang nasabing listahan nang i-upload ito ng dating ABS-CBN journalist na si Charie Villa na kung saan maraming netizens ang nag-react dahil naisama pa sa listahan si Robles.
Pumanaw ang 57-anyos na manunulat noong 2019 dahil sa colon cancer.
Samantala,sasampahan umano ng kaso ni Atty. Darwin Cañete, kilalang tagasuporta ni President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte, si Villa dahil kabilang siya sa listahan ng mga umano’y fake news peddler.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/03/ex-abs-cbn-journalist-charie-villa-kakasuhan-matapos-tawaging-fake-news-peddler-ang-ilang-personalidad/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/03/ex-abs-cbn-journalist-charie-villa-kakasuhan-matapos-tawaging-fake-news-peddler-ang-ilang-personalidad/