Nanawagan ang US State Department sa Chinese government na sumunod sa rule of law matapos nitong ibasura ang protesta ng Pilipinas sa pagbabawal nito sa pangingisda maging sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Ned Price, tagapagsalita ng Departamento ng Estado, sa isang Twitter post noong Biyernes na ang “unilateral fishing moratorium ng China sa South China Sea ay hindi naaayon sa 2016 Arbitral Tribunal ruling at internasyonal na batas na makikita sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea). ”

Binanggit ang ulat ng Department of Foreign Affairs na naghain ito ng protesta sa "unilateral fishing ban" ng China, idinagdag ni Price na nananawagan ang US sa gobyerno ng China na "sumunod sa mga obligasyon nito sa ilalim ng internasyonal na batas."

Noong Huwebes, Hunyo 2, ibinasura ng China ang protesta ng Pilipinas sa pagbabawal sa pangingisda sa South China Sea na sumasaklaw sa ilang bahagi ng West Philippine Sea dahil ito ay isang  “normal measure.”

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ng Tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China na si Zhao Lijian na hindi matanggap ng China ang mga pahayag ng Pilipinas na ang tatlong-at-kalahating buwang pagbabawal sa pangingisda sa South China Sea ay lumabag sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sinabi ng China na ang akusasyon ng Pilipinas ay "hindi makatwiran."

Joseph Pedrajas