Naitala na ng Pilipinas ang unang dalawang kaso ng Omicron BA.5 sub-variant, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes.
Binanggit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang dalawang nahawaan ay magkasama sa iisang bahay sa Central Luzon.
Wala aniyang travel history ang mga ito, maliban lamang sa pagpunta nila sa kanilang polling precinct sa Metro Manila kung saan sila bumoto noong Mayo 9.
Kaagad aniyanginihiwalay ang dalawa noong Mayo 16 dahil sa kanilang pag-ubo at sipon.
Natapos na aniya sa isolation period ang dalawa nitong Mayo 30. Naging asymptomatic na aniya ang dalawa at nakarekober na sa sakit.
"Makikitang hindi kritikal at malubha ang mga panibagong variants at halos pareho lamang ang characteristics ng BA.5 at BA.4 kaya gagana pa rin ang ating health protocols at health measures," anito.
Isa aniya sa kasamahan ng mga ito sa bahay ay positibo sa virus at naka-isolate na rin, sabi pa ni Vergeire.