Matapos ang ilang serye ng eksaminasyon sa loob ng ilang buwan, natukoy na sa wakas ang bihirang karamdaman ni Kris Aquino kung saan ang matinding gamutan ay tanging sa Amerika lang posible.
Ito ang ibinahaging update ni Kris sa isang Instagram post, Biyernes, kung saan nagpalasamat muli ang actress-host sa mga patuloy na nagdarasal para sa kanyang agarang paggaling.
Sa ibinahaging paliwanag ng doktor na si Dr. Katrina Canlas-Estrella, at sa muling pagsuri sa medical history ni Kris, naging “primary working diagnosis” ang sakit na “Eosinophilic Granulomatosis with Polyngiitis” o EGPA batay sa ilang mga ipinakitang sintomas ng actress-host.
Ang EGPA o unang tinawag na Churg-Strauss Syndrome ay isang bihirang karamdaman kung saan namamaga ang ilang uri ng cells sa dugo o sa ilang body tissues ng isang tao.
Ang pamamaga, kung hindi agad mabibigyan ng medikal na gamutan ay maaaring makaapekto sa iba pang body organs kabilang ang puso o kidney. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang rare disease ay may kaugnayan sa palyadong immune system ng isang tao.
Matatandaan na noong Enero ngayong taon, unang sinabing ang sakit na “chronic spontaneous urticarial,” isang autoimmune disease, bilang karamdaman ni Kris.
Samantala, buong paglalahad naman ng ibinahagi ni Dr. Estrella sa magiging gamutan ni Kris ang ibinahagi ng actress-host sa kanyang Instagram.
Narito ang kabuuang pagbabahagi ng attending physician ni Kris:
Samantala, aminado naman si Kris na mamimiss niya ang kanyang mga kaibigan at followers sa kanyang paglipad sa Amerika para sa puspusang gamutan na magtatagal ng higit dalawang taon.
“I’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart,” ani Kris.
“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok,” dagdag niya.