Pinagtibay ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang pagbasura sa drug cases laban kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at sa ilangn kasamahan nito.
Ito ay nang ibasura ni Makati RTC Branch 64 Judge Gina Bibat-Palamos nitong Mayo 30 ang motion for reconsideration na iniharap ng prosecution panel laban sa kautusan nitong may petsang Disyembre 17, 2021 na nag-aapruba sa demurrer of evidence na niharap ng kampo ni Espinosa.
Ang demurrer to evidence ay isang mosyon na humihiling na maibasura ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya ng prosekusyon.
Umaasa na lamang ang prosekusyon sa testimonya ni Marcelo Adorco, na isa rin sa akusado. Iniharap na ito ng prosekusyon sa hukuman bilang bodyguard at driver ni Espinosa upang patunayang kasangkot ito sa illegal drug trade.
Gayunman, gumawa si Adorco ng counter-affidavit noong Agosto 11, 2022 na bumabawi sa mga nauna na niyang alegasyon at idinahilang tinakot lamangn siya laban sa mga samahang akusado.
Sa kanyang pagbawi ng salaysay, sinabi nito na hindi siya bodyguard at driver ni Espinosa at wala rin siyang alam sa umano'y pagkakasangkot ng huli sa illegal drug trade.
Matatandaang inihayag ng korte noong Disyembre 2021 na hihina na ang kaso laban kay Espinosa kung wala ang mga testimonya ni Adorco.“While as a rule, recantations are viewed with suspicion and reservation. There exists special circumstances, such as the glaring violations of Adorco’s constitutional rights, which raises doubts as to the veracity of his initial testimonies,” aniya.
Kamakailan, idineklara na ang hukuman na hindi nila tinatanggap sa hukuman ang sinumpaang salaysa ni Adorco dahil kinunan ito kahit walang nakaharap na abogado.