Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang lalaki matapos masamsaman ng mga tanim na marijuana sa Brgy. Babuyan Claro sa Calayan, Cagayan kamakailan.

Sa report ng Police Region Office (PRO2), nakatanggap ang pulisya ng impormasyon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang dalawang suspek na hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Ayon sa pulisya, nakumpiska rin nila ang 15 na tanim na marijuana sa likod ng bahay ng isa sa dalawang suspek.

Nasa tatlong kilo ng marijuana ang nasamsam at ito ay nagkakahalaga ng₱360,000.

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang suspek.