Kakasuhan ng libel ang retired ABS-CBN journalist na si Charie Villa dahil sa ipinost nitong listahan ng mga umano'y fake news peddler. 

Kabilang sa nasabing listahan ay sina incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles, RJ Nieto ng Thinking Pinoy, Arnell Ignacio, Sass Rogando, Mark Lopez, Ethel Pineda, Darwin Cañete, Jam Magno, Darryl Yap, atbp. 

Dahil dito, sasampahan umano ng kaso ni Atty. Darwin Cañete, kilalang tagasuporta ni President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Sara Duterte, si Villa dahil kabilang siya sa listahan ng mga umano'y fake news peddler.

Sa isang tweet ni Cañete nitong Biyernes, Hunyo 3, tila humingi siya ng tulong sa isang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio kung paano masasampahan ng kaso si Villa. 

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"@canete_darwin Boss, good afternoon. Just finished my research on the feasibility of filing libel and cyberlibel charge against Charie Villa re: her FB posts. It's a go. Let's sit down soon next week. Yeah ba!!" ani Topacio.

"Thanks for taking my call. See you sir!" reply naman ni Cañete.

https://twitter.com/canete_darwin/status/1532578444923375617

Sa nasabing Facebook post ni Villa, pinansin din ng mga netizens ang pag-eedit nito ng kaniyang post. Makikita kasi sa edit history na pinalitan niya ang caption ng post niya.

Ang unang caption niya: "Here is a list of fake news peddlers. Beware" na naging "Beware. Ctto Credit to the owner" matapos i-edit.

Samantala, kilala bilang tagasuporta ni outgoing Vice President Leni Robredo at outgoing Senador Kiko Pangilinan ang batikang mamamahayag. Wala pa rin siyang pahayag tungkol sa isasampang kaso laban sa kaniya.