Handang isapubliko ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN kapag naupo na sa pwesto.

Sa tanong ni Christian Esguerra, sa kanyang panayam sa 'Facts First,' sinabi nitong walang problema sa kanya kung usisain ng publiko lalo na ng media ang kanyang SALN dahil parte ito ng pagiging lingkod bayan.

"Bahagi 'yon ng trabaho na ilabas mo ang SALN para makita ng taumbayan kasi baka mamaya mapaghinalaan ka, "Uy, meron pala itong 100 million itong tao na ito." E, Diyos ko po naman. Kelangan ho ilabas iyon, na maipakita kung magkano ang pera mo, ng pamilya mo kapag pasok mo sa gobyerno," ani Tulfo.

Isiniwalat rin ni Tulfo kung gaano ang tinatayang sweldo ng mga department secretary kada buwan, na sa tantya niya ay papalo sa 250,000 kasama na ang allowances at mga bonus at hindi pa nakakaltas ang buwis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pagbubuking rin ni Tulfo na mas malaki ang kinikita niya bilang broadcaster kaysa sa kikitain niya ngayong magiging kalihin siya ng isang departamento.

Aniya, "Aaminin ko, being a broadcaster, mas malaki ho — ang sahod ko po nasa seven figures plus 'yung mga commercials po — so we take a skip dive."

Matatandaan na tinanggap ni Tulfo ang nominasyon bilang susunod na kalihim ng DSWD sa ilalim ng administrasyong Marcos noong Mayo 30.

BASAHIN: Erwin Tulfo, tinanggap ang nominasyon bilang susunod na DSWD Secretary

"Una sa lahat salamat sa Diyos. Maraming salamat kay President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa tiwala," ani Tulfo.