Masayang ibinahagi ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang kanyang pagbisita sa isang orphanage sa Davao City kamakailan.

Sa ilang serye ng mga larawan na ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram, makikitang game na game na nakipagkulitan, at nakipagsayawan ang aktor sa mga bata.

“My happiness is recharged because @sosphilippines @soschildrensvillagedavao opened their doors for us❤️.

“Maraming salamat sa lahat ng nakasama namin dito sa Davao para makapagbigay saya sa mga kapamilya natin.🥳😊”

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Sa isang Facebook post ng SOS Children’s Village Davao nitong Miyerkules, Hunyo 1, nagpasalamat din ang organisasyon sa aktor sa pagbisita at pagbibigay nito inspirasyon sa mga bata.

“Thank you for inspiring, bonding and dancing with us. Your presence gave joy not just to our children but to the whole community of SOS-CV Davao. 😁

Ang children’s care center ay isa lang sa walong villages ng SOS-CV sa bansa.

Ito ay isang private, non-political, non-denominational organization na kumukupkop at nagbibigay ng ibreng pangangalagang pam-pamilya at edukasyon sa mga batang inabandona o naharap sa mahihirap na kalagayan.

Kaugnay na Showbiz Balita: Enchong Dee, nag-donate ng dugo; naispatan nga ba sa Hall of Justice sa Digos City? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid