Umalma ang ilan sa mga kilalang personalidad matapos madawit sa isyung sila ay mga 'fake news peddlers.'
Kumalat sa social media ang listahan ng mga umano'y fake news peddlers nang i-upload ito ngretired ABS-CBN journalist na si Charie Villa.
Kabilang sa listahan sina Darryl Yap, Jam Magno, Mark Lopez, at RJ Nieto ng Thinking Pinoy.
Sa Facebook post ni Darryl Yap, tila dinaan na lamang niya ito sa biro nang sabihin niyang siya na ang bahala sa pancit canton kasama ang ibang napabilang group 1 sa listahan.
"Wala naman akong sinabing fakenews, nung nagsabi akong di mananalo si Leni… NANGYARI NAMAN. Naku, Good Morning na lang sayo Dude, it’s nice to see you're still in the Philippines," saad niya.
"Anyways Group 1 tayo, RJ Nieto Ms. Trixie Cruz-Angeles Mark Lopez Sass Rogando Sasot— ako na sa pancit canton," dagdag pa niya.
Tinanong naman ni Jam Magno kung sino si Charie Villa. Gusto rin niya malaman kung anong fake news ang ipinost niya.
"I want to know what News I posted that is Fake. And NO a Twitter Profile that is NOT mine does not count as a source ha," ani Magno.
"Who is this Charie Villa person? Make sure you have proof because it sure is embarassing to be a nobody and be a liar at the same time," dagdag pa niya.
Hinamon naman ni Mark Lopez ang batikang mamamahayag at sinabing ang network niya o ang ABS-CBN ang matagal nang nagpapalaganap umano ng fake news.
"I challenge you Charie Villa of ABS CBN. What fake news have I propagated or disseminated? If you are the journalist you claim to be, ilabas mo ang fake news na pinost ko," aniya.
"Kapal ng mukha mo mag bida bida eh yang network mo ang matagal ng purveyor ng fake news," patutsada ni Lopez.
Nag-upload naman ng 15-minute video si RJ Nieto ng Thinking Pinoy. Inisa-isa niya ang mga pangalang nakasulat sa listahan ng mga umano'y fake news peddler. Naguluhan din daw umano siya sa listahan dahil mali-mali umano ang mga nakalagay na pangalan at paulit-ulit pa.
Hindi naman daw siya magsasampa ng kaso. Nanggigil lang siya nang naisama pa ang pangalan ng yumaong si Jojo Robles, dating editor-in-chief ng Manila Standard.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/03/yumaong-si-jojo-robles-kabilang-sa-listahan-ng-mga-umanoy-fake-news-peddler/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/03/yumaong-si-jojo-robles-kabilang-sa-listahan-ng-mga-umanoy-fake-news-peddler/
As of writing, wala pang pahayag ang batikang mamamahayag tungkol sa isyung kinasangkutan niya at sa kasong isasampa sa kaniya ni Atty. Darwin Cañete.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/06/03/ex-abs-cbn-journalist-charie-villa-kakasuhan-matapos-tawaging-fake-news-peddler-ang-ilang-personalidad/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/06/03/ex-abs-cbn-journalist-charie-villa-kakasuhan-matapos-tawaging-fake-news-peddler-ang-ilang-personalidad/