Nadakip ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang wanted na 'carnapper' na sangkot umano sa rent-tangay modus sa ikinasang operasyon sa Cavite nitong Huwebes, Hunyo 2.

Kinilala ang akusado na si Khristine Lontoc, alyas Tin, 29, dalaga, at nakatira sa Block 3 Lot 3, Levisa St., KS19 Brgy. Navarro, General Trias, Cavite.

Sa police report, nagsagawa ng joint operation ang mga tauhan ng F2-RMFB, RID, TSC-RMFB 4A,Imus Cavite City Police Station at 402nd RMFB 4A laban sa suspek sa tirahan nito sa Block 3 Lot 3 Levisa St., KS19, Brgy. Navarro, General Trias, Cavite dakong 5:22 ng hapon nitong Huwebes.   

Inaresto si Lontoc sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Trece Martires City Cavite RTC Fourth Judicial Region Branch 130 Presiding Judge Gaysol Cayarian Luna para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 sa ilalim ng Criminal Case No. TMCR-0128-22.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Nagrekomenda ang korte ng halagang P300,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek. 

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Lontoc ay sinasabing sangkot sa “RENT-TANGAY’’ Modus kung saan nirerentahan ang sasakyan subalit bigong bayaran ang upa o renta at hanggang sa ibenta ang sasakyan nang walang permiso o pahintulot ng may-ari nito.