ILOILO CITY – Sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit dalawang taon, wala nang aktibong kaso ng COVID-19 ang Antique.

“This is a milestone for the provincial government, especially, for the health sector as COVID-free status is the ultimate goal ever since the pandemic started and cases started to increase,” ani Antique Gov. Rhodora “Dodod” Cadiao.

“This was achieved because of the hard work of the medical frontliners and the cooperation of the Antiqueño people,” dagdag ni Cadiao.

Sa nakalipas na ilang buwan, ang Antique Provincial Health Office ay nakapagtala ng pagbaba sa mga kaso ng COVID-19.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pagbaba ay kasunod ng mga pinaluwag na paghihigpit na ipinataw ng pamahalaang panlalawigan ng Antique, kabilang ang pagtanggal ng Safe, Smart, and Swift Passage System (S-PaSS) para sa mga umuuwi na residente at maging sa mga manlalakbay.

Mula nang magsimula ang pandemya, nakapagtala na ang Antique ng 8,709 COVID-19 cases, kabilang ang 349 na namatay.

Habang wala nang aktibong kaso ng COVID-19, inuri pa rin ng pambansang pamahalaan ang Antique sa ilalim ng Alert Level 2 status, dahil sa mababang saklaw ng pagbabakuna ng lalawigan.

Hinihimok ni Cadiao, isang nars, ang mga Antiqueño na magpabakuna sa lalong madaling panahon.

Tara Yap