Hinihiling ng isang kongresista na kumakatawan sa senior citizens kay Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan ang panukalang batas na nagtataas sa buwanang pensiyon ng mahihirap na senior citizens bago matapos ang termino nito sa Hunyo 30.

“We hope the reconciled version, which we worked hard at from committee level to bicameral conference committee, will be signed into law before June 30 by fellow senior citizen President Duterte,” pahayag ni Rep. Rodolfo Ordanes ng Senior Citizen party-list.

Batay sa House Bill 9459 na kanyang inakda, dapat na maging₱1,000 kada buwan ang dapat ipagkaloob sa nakatatandang mamamayan mula sa kasalukuyang₱500.

Umaasa si Ordanes sa pagtataas ng pensiyon ng mga mararalitang senior citizen ay magkakaroon ng katuparan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pinasalamatan niya ang kasamahang mga mambabatas mula sa Kamara at Senado, partikular sina Senate President Tito Sotto at Senador Joel Villanueva sa pagsuporta sa HB 9459.

"The reconciled version includes an automatic adjustment of the ₱1,000-pension and  mandates the National Commission on Senior Citizens to adjust the pension rate based on the consumer price index at the time,” aniya

Makikipulong siya sa incoming chief ng Department of Social Welfare and Development na si Erwin Tulfo upang talakayin ang mga problema at solusyon sa mga sistema at proseso sa DSWD.