LAGUNA - Mahigit sa₱3 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-National Capital Region (NCR) sa isang umano'y drug pusher saBarangay SantoNiño, San Pedro City nitong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Armand Endozo, alyas "Boy 45," walang trabaho, at taga-nasabing lugar.
Ipinatupad ng PDEA-NCR-Regional Special Enforcement Team 3 (RSET3) ang anti-drug operation laban sa suspek sa Anastacio Olivares Street, na ikinaaresto ni Endozo dakong alas-2:30 ng hapon.
Nakumpiska sa suspek ang mahigit sa 500 gramo ng umano'y shabu, drug paraphernalias, atmarked money.
Nakakulong na sa PDEA Central Office sa Quezon City ang suspek na nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).