Isasagawa ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. ang oath-taking ceremony nito sa National Museum bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni incoming Presidential Management Staff (PMS) head Zenaida Angping nitong Huwebes.
Tapos na aniyang nagsagawa ng ocular inspection sa lugar ang inaugural committee ni Marcos at sinabing akma ito para sa naturang inagurasyon.
"The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos' inauguration. Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then," pahayag ni Angping.
Nauna nang sinabi ni Marcos na isasagawa sana ang inagurasyon sa Quirino Grandstand na pinagdausan ng panunumpa sa tungkulin ng karamihan sa mga naging Pangulo ng bansa. Gayunman, ginagamit ito ng pamahalaan sa kanilang hakbang laban sa coronavrius disease 2019 (Covid-19)
"The safety and welfare of our people are paramount. As such, we chose to avoid disrupting the medical care being given to the COVID-19 patients housed there.That's why we opted for the National Museum as the venue," sabi pa nito sa isang panayam.
Bukod kay Marcos, kabilang din sa mga naging presidenteng nanumpa sa kanilang tungkulin sa National Museum sinaManuel L. Quezon (1935), Jose P. Laurel (1943), at Manuel Roxas (1946).
Noong 1918, dinisenyo ang National Museum at tuluyang naitayo noong 1926 upang magsilbing "bagong tahanan ng National Library of the Philippines."
Ginamit din ito para sa proklamasyon ng Philippine Commonwealth noong 1945. Nawasak ito noongWorld War II at ipinatayo muli mula 1949 hanggang 1950.