Mahigit na sa 180,000 na operators ng public utility vehicle (PUV) ang nabigyan na ng fuel subsidy na₱6,500 bawat isa.
Pagdidiin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), bahagi lamang ito ng programa ng pamahalaan upang matulungan ang mga operators dahil sa tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Paglilinaw ng LTFRB, patuloy pa rin ang pamamahagi ng subsidiya sa mga public transport operators matapos na masimulan noong Marso.
Sa huling listahan ng DSWD, aabot pa rin sa 377,00 ang kuwalipikadong PUV drivers at operators sa programa.
"Base sa pinakabagong datos ng ahensya, nitong June 1, 2022 ay nasa 180,061 na PUV operators na ang nabigyan ng fuel subsidy, o tinatayang nasa P1,170,396,500 na ang na-disburse na halaga ng subsidiya,” sabi pa ng LTFRB.