Hinahamon ni Atty. Luke Espiritu ng isang debate ang incoming press secretary ng administrasyong Marcos na si Trixie Cruz-Angeles tungkol sa Martial Law.

Sa pahayag ni Angeles sa isang programa ng TeleRadyo na On The Spot noong Mayo 31, sinabi niya na mahalaga ang diskurso dahil laganap ang fake news o misinformation and disinformation partikular nitong nagdaan na eleksyon.

"Mahalaga ang diskurso. Kaya lumalaganap yung ganung klaseng ideya dahil sa kakulangan ng diskurso.Free speech is the rule. Discourse determines what is disinformation, misinformation," anang incoming press secretary.

Ayon din sa lawyer-vlogger, importante ang diskurso kung pag-uusapan ang mga historical events katulad ng Martial Law. Aniya, ito ay isang "minefield."

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"We're all part of that discourse, kasaysayan natin ang pinag-uusapan. Why don't we allow a discourse.We're talking about free speech," ani Angeles.

"I think that everything should always be open to debate.Even scientific theories, even established facts are always open to question but I'm not saying that just because we open it to question, a different result will come out of it," dagdag pa niya.

“Does it mean that we stop those people from asking questions if we think that the result is something we are not ready to accept or is in fact, even wrong? Do we stop the discourse because people may come up with the wrong conclusion?The point of the matter is to allow discourse and that is what free speech is about."

Samantala, niretweet ni Espiritu ang isang quota card ni Angeles tungkol sa kaniyang naging pahayag.

"Game! Debate tayo," hamon ni Espiritu, na kumandidatong senador sa naganap na halalan 2022.

https://twitter.com/LukeEspirituPH/status/1531607443670675456

Matatandaan na magkaalyado noon sina Espiritu at Angeles laban sa administrasyon ni Arroyo.

“We were once allies in the Anti-Arroyo struggle. Now we are worlds apart belonging to opposing camps. Ahhh… lawyers,” tila dismayadong pahayag ni Luke.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/27/now-we-are-worlds-apart-luke-espiritu-trixie-angeles-magkasangga-noon-vs-arroyo-admin/