Hindi umano makapaniwala sa presyo ng mga bilihin ang batikang aktor at TV host na si Edu Manzano, nang siya ay muling mag-grocery.

Ayon sa kaniyang tweet noong Mayo 31, "Back in the grocery after a couple of months. Couldn’t believe the prices" na may disappointed face emoji pa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

https://twitter.com/realedumanzano/status/1531579157846818817

Mukhang ang tinutukoy ni Edu ay pagtaas ng presyo ng ilang mga bilihin, na apektado sa pagtaas din ng presyo ng gasolina, dulot ng mga nangyayaring kaguluhan sa ibang bansa.

Sinagot naman siya ng isang Twitter user.

"So? Prices are going up EVERYWHERE in the world. Lol! As if dyan lang 'yan nangyayari."

Niretweet naman ito ni Edu at sinagot niya.

"That may be true but countries with better tax collection rates are in a better position to help absorb the impact of these challenges. That’s your taxes working for you," aniya sa tweet nitong Hunyo 1.

https://twitter.com/realedumanzano/status/1531970469729288193

Samantala, noong Mayo naman ay kinuyog ang Queen of RnB na si Kyla nang magkomento naman siya hinggil sa mataas na presyo ng gasolina, pero ang suweldo ay hindi naman daw tumataas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/23/kyla-niratrat-ng-bashers-dahil-sa-tweet-tungkol-sa-gas-i-never-said-its-the-governments-fault/">https://balita.net.ph/2022/05/23/kyla-niratrat-ng-bashers-dahil-sa-tweet-tungkol-sa-gas-i-never-said-its-the-governments-fault/