Sinibak sa puwesto ang hepe at mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) dahil sa pagkakasangkot umano sa maanomalyang operasyon sa Maynila kamakailan, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Kinumpirma ni DOJ Secretary Menardo Guevarra nitong Huwebes na inaprubahan niya ang pagkakatanggal ni Assistant Regional Director Victor Lorenzo, hepe ng NBI-Cybercrime Investigation and Assessment Center (CIAC) at ilang tauhan nmg CCD.

Nilinaw ni Guevarra, iniimbestigahan na si Lorenzo at mga tauhan dahil na rin sa usapin.

Si NBI-Officer-in-Charge Director Eric Distor ang nagrekomendang masibak sa puwesto ang grupo ni Lorenzo.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

“I have informed OIC Chief Distor about my approval of his recommendation for the relief of the NBI personnel concerned. The order for the relief of Cybercrime Division personnel involved inthe subject operationwill come from the OIC Chief of the NBI,” ani Guevarra.

Nag-ugat aniya ang usapin nang salakayin ng grupo ang isang establisimyento sa Maynila kung saan magkakaroon sana ng pagsamsam at pag-iimbestiga sa natuklasang computer data sa lugar noong Mayo 31

“No further details could be given at this time, as the matter is being investigated by the IAD.We just want to make sure that similar operations in the future will be conducted in a most professional way,” pahayag nito.

Aniya, layunin lamang nila na maingatan ang mga ebidensya at maiwasang maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon.