Ipinagdiwang ng binansagang “Total Performer” na si Darren Espanto ang kanyang ikawalong taon sa showbiz industry nitong Miyerkules, Hunyo 1.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng 21-anyos actor-singer ang noo’y 12-taong gulang lang na sarili nang sumalang siya sa pinakaunang The Voice Kids Philippines noong 2014.

“Eight years ago today. Nang si boy selfie ay sumabak sa blind auditions at nag bago ang buhay niya. Happy 8th Showbiz Anniversary to this kid! @abscbnthevoice,” mababasa sa caption ni Darren.

Matatandaang mula Canada ay sinadya pa ng pamilya ni Darren ang mag-audition sa kompetisyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ilang kasamahan naman sa industriya ang nanggingil sa mga cute na cute na mga larawan noon ni Darren.

“CHUTIEEEE! Super kagigil 🫠💕” komento ng host na si Ai dela Cruz.

Tuwang-tuwa naman si Pure Energy sa kanyang komento sa parehong post ni Darren.

“Shet ang cute! Hahahahaahahahahahahha” saad ni Maris Racal sa throwback photo ni D.

“Omg this is the Darren I remember!” sabi naman ni OPM Legend Martin Nievera.

Itinanghal man na first-runner sa naturang edisyon ng The Voice kung saan naging grand champion si Lyca Gairanod, naging makulay din ang karera ni Darren mula sa kabi-kabilang sold-out concerts sa Pilipinas at abroad, pagkilala sng iba’t ibang award-giving bodies at mga kantang tumatak sa madla.

Inaabangan naman ngayon ng fans ang paglabas ng “Lyric and Beat,” isang musical series na handog ng ABS-CBN kung saan isa sa mga bibida si Darren.

Noong Mayo 24, ipinagdiwang din ng singer ang kanyang ika-21 kaarawan.