Opisyal nang nai-welcome ng Cornerstone Entertainment ang pinakabagong talent nilang si Ana Jalandoni, sa opisyal na Instagram page ng naturang talent management, nitong Hunyo 1.

Matagal na umanong nasa Cornerstone si Ana subalit ngayon nga ay opisyal na siyang pumirma ng kontrata rito.

"Our dearest Ana has already been with us for quite some time. Now it is our pleasure to officially welcome her to our growing family. Welcome to Cornerstone Ana Jalandoni!" ayon sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, pabirong inilapit si Sam kay Catriona pero dinedma lang

"Thank you Fam," sey naman ni Ana.

Sa kaniyang Instagram stories naman ay ibinahagi ni Ana ang iba't ibang pagbati sa kaniya ng mga kaibigang celebrities.

Ang tanong daw ng marami, magkakaayos na kaya sina Ana at ang jowa niyang si Kit Thompson na inireklamo niya ng pananakit? Cornerstone din kasi ang talent management ni Kit at pareho pa sila ng talent manager na si Erickson Raymundo.

Pero sa Instagram account ni Ana ay burado na ang mga litrato nila ni Kit habang magkasama.

Noong nasa ospital pa si Ana dulot ng pambubugbog sa kaniya ng jowa ay nagpadala ng bouquet of flowers si Erickson para sa kaniya.

Samantala, wala pang update kung gumugulong na ba ang kaso sa pagitan nina Ana at Kit.