Nagpahayag ng kaniyang pagsuporta ang aktres na si Agot Isidro para sa Angat Buhay NGO (Non-Government Organization) ni outgoing Vice President Leni Robredo.
Ayon sa tweet ni Agot noong Mayo 28, "Focus muna tayo sa Angat Buhay ha. All my efforts will be funneled towards this NGO."
"Sorry Red Cross. Sorry DSWD. Sorry, government initiatives."
"Doon ako sa mapagkakatiwalaan," aniya.
Hindi lamang si Agot ang nagpahayag ng pagsuporta sa Angat Buhay NGO kundi maging ang magkaibigang komedyanteng sina Pokwang at K Brosas, na pawang certified Kakampinks.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/14/k-brosas-nag-shot-puno-suportado-ang-angat-buhay-ngo-ni-vp-leni/">https://balita.net.ph/2022/05/14/k-brosas-nag-shot-puno-suportado-ang-angat-buhay-ngo-ni-vp-leni/
Maging si Kapamilya singer Yeng Constantino ay nakahanda ring sumuporta para sa Angat Buhay NGO.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/yeng-constantino-handang-muling-mag-volunteer-para-sa-angat-buhay-ngo-ni-robredo/">https://balita.net.ph/2022/05/16/yeng-constantino-handang-muling-mag-volunteer-para-sa-angat-buhay-ngo-ni-robredo/
Nabanggit ni outgoing VP Leni ang tungkol sa Angat Buhay NGO, sa naganap na pasasalamat ng Leni-Kiko tandem sa Ateneo de Manila University Bellarmine Field noong Biyernes, Mayo 13.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/new-government-organization-angat-buhay-ngo-ni-vp-leni-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/05/16/new-government-organization-angat-buhay-ngo-ni-vp-leni-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/