Nakalaya na ang dalawang opisyal ng kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos makulong ng mahigit sa anim na buwan sa Pasay City Jail sa utos na rin ng Senate blue ribbon committee, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa panayam sa telebisyon, kinumpirma ni BJMP Spokesperson Chief Insp. Xavier Solda na nakalabas na ng kulungan sina Pharmally treasurerMohit Dargani at director Linconn Ong nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Solda, isinagawa ang pagpapalaya sa dalawa alinsunod na rin sa release order na pirmado ni outgoing Senate president Vicente "Tito" Sotto III nitong Miyerkules ng gabi.

Si Ong ay ikinulong sa Senado simula Setyembre 21, 2022 matapos i-contempt nang tanggihan ang kautusan ng Senate blue ribbon committee na iharap ang financial statements ng kumpanya kaugnay ng imbestigasyon sa kuwestiyunableng paglilipat ng P42 bilyong Covid-19 funds ng Department of Health saProcurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Matapos manalo sa eleksyon, Sen. Bato, balak bisitahin si FPRRD sa The Hague

Inaresto naman si Dargani habang nagtatangkang tumakas ng bansa, sakay ng chartered plane sa Davao City International Airport noong Nobyembre 14, 2021.

Sina Ong at Dargani ay inilipat sa Pasay City Jail noong Nobyembre 2021.

Kamakailan, iniutos ng komite na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon na kasuhan sina Ong, Dargani at ilang opisyal ng gobyerno dahil sa umano'y maanomalyang pagbili ng Covid-19 supplies sa gitna ng pandemya kamakailan.