Tinatayang 80 kilos ng umano'y 'shabu' na nagkakahalaga ng ₱544,000,000 ang nasamsam ng awtoridad sa limang suspek sa isinagawang hiwalay na buy-bust operation sa Cavite nitong Huwebes, Hunyo 2.

Ayon sa report, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Task Force NOAH, Team Navy, Philippine Drug Enforcement Group (PDEG)-FILD at PNP 4A sa Block 34 Lot 14, Hyacinth St., Camella Homes, Dasmariñas, Cavite, dakong 8:00 ng umaga nitong Huwebes. 

Naaresto ang mga suspek na sina Dominador Robasto Omega Jr. at Siegfred Omega Garcia matapos marekober ang 60 kilos ng umano'y shabu na may halagang ₱408,000,000, butane stove, cooking equipment, mga galon na naglalaman ng hindi pa batid na kemikal, plastic containers na mayroong laman na white crystalline substance, air purifier (ginamit sa pagtatago ng droga), mga drug paraphernalia, Android cellphone at IDs.

Samantala nagsagawa ng katulad na operasyon ang mga awtoridad sa Blk 11 Lot 1, Buenavista Townhomes, General Trias, Cavite, bandang 8:00 ng umaga na nagresulta ng pagkakaaresto ng tatlong suspek na sina Elaine Maningas y Calusin; Ricardo Santillan y Santiago; at Laurel Dela Rosa y Salceda,pawang nasa hustong gulang.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nakumpiska sa tatlong suspek ang 20 kilos ng 'shabu' na nagkakahalaga ng ₱136,000,000,marked money, apat na Android phone,dalawang analog Phone, at IDs.

Inihahanda na ng awtoridad ang pagsasampa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa limang suspek.