Magbibitiw ang batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo kung hindi ito epektibo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Ang sabi ko nga ho eh, I challenge myself na in 24 hours bababa’t bababa, 24 hours or less darating 'yung ayuda mo or mga relief na 'yan lalo na pag sa mga calamity-stricken areas ay gagawin ho natin," pahayag ni Tulfo sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules.

"‘Pag hindi ho natin nagawa ‘yan sir, at lalongsumamapa ang bureaukrasya…ang red tape, lalongnagkaroonng korapsyon pa, eh ako na ho mismo sir magsasabi sa pangulo, Mr. President palitanniyonahoako kasi ineffective ho ako,” lahad nito.

Handa aniya ito na bumalik sa pagiging buhay-sibilyan kapag pumalpak sa kanyang trabaho sa DSWD.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

“Bakit ho natin pilitin, Sir kung hindi naman ho kaya?” pagtatanong ni Tulfo.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Tulfo na hindi niya babatikusin ang sinumang pumalpak na kasamahan sa Gabinete ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr.

“May mga ahensya po kasi Sir na in charge ho dyan like meron po tayong Ombudsman, and then pagdating po sa mga corruption, sa mga pera meron po tayong Commission on Audit.So nakakahiya naman Sir kung sabihan ko 'yung secretary ng kabilang department like ‘Hoy, may balita sa ’yo na may problema ka, etc. etc.’”

Matatandaang naging kontrobersya si Tulfo nang insultuhin niya si DSWD Secretary Rolando Bautista matapos tanggihan ng huli ang alok ng una na kapanayamin siya sa kanyang programa sa telebisyon.

“Siguro Sir 'yung responsibility ko would be under my department, pero 'yung calling out the other departments Sir, I will leave it to leave that to...meron tayong mga other agencies na pwede tumutok dyan at pwede silang pagsabihan, or yung mga authorities like probably the Executive Secretary can call them out, or even ang Pangulo mismo natin,” dagdag pa ni Tulfo.