May mensahe ang kumandidatong senador na si dating Ifugao governor Teddy Baguilat, Jr. para sa mga katutubong bahagi ng LGBTQIA+ community.
"Happy Pride Month! Sa mga katutubong LGBTQIA, remember that the tribe is caring and more understanding than you think. Magpakatotoo," aniya sa kaniyang tweet ngayong Hunyo.
Si Baguilat ay tumakbong senador sa ilalim ng tiket nina outgoing Vice President Leni Robredo at outgoing Senator Kiko Pangilinan.
Samantala, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, kasado na ang Pride Month celebration sa Hunyo.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/31/pride-festival-sa-metro-manila-kasado-na-sa-hunyo/">https://balita.net.ph/2022/05/31/pride-festival-sa-metro-manila-kasado-na-sa-hunyo/
Dalawang taon matapos makulong sa mga virtual celebration ng Pride Month sa Pilipinas dahil sa banta ng coronavirus disease (Covid-19), may tangkang muling ipagdiwang sa labas ang espesyal na buwan para sa LGBTQIA+ community.