Posibleng tumaas pa ang singil sa kuryente bunsod na rin bg patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

"Tataas nang tataas 'yan kasi 'di naman natitigil ang Ukraine war and hihilahin lahat ang presyo, lalung-lalo na ang coal dahil nakapaka-dependent natin sa coal," ani Power4People lead convenor Gerry Arances sa panayam sa telebisyon.

"Makikita natin na sa mga susunod na buwan, lalo pang tataas ang presyo ng kuryente sa bansa," sabi nito.

Pagdidiin nito, nakasalalay ang presyo ng panggatong sa presyuhan ng langis mula sa mga plantang tumatakbo sa coal at iba pang fossil fuel at ipinapasa naman ito sa mga consumer.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

Binanggit din na saunang dalawang araw ng trading sa pandaigdigang merkado, lagpas ng P5.00 na ang itinaas ng presyo ng imported diesel at mahigit sa P3 naman sa gasolina dahil sa pagbabawal ng maraming bansa sa Europa sa Russian oil.

Kaugnay nito, inihirit din ng grupo sa gobyerno narepasuhin ang mga kontrata at tanggalin ang "pass-thru provision" o pagpapasa ng fuel costs sa mga consumer.