Ipinababasura ni President-elect Bongbong Marcos sa Korte Suprema ang petisyon na nagpapakanselasa certificate of candidacy (CPC) nito.

Sa 45 pahinang komento na inihain ni Atty. Felipe Mendoza, iginiit nito na walang hurisdiksyon ang Supreme Court sa petisyon laban sa kanyang kliyente at hawak na ng Presidential Electoral Tribunal ang usapin.

Sakaling may hurisdiksyon ang kataas-taasang hukuman, iginiit ni Mendoza na dapat pa ring ibasura ang petisyon na kumukuwestiyon sa desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang disqualification case laban sa kanyang kliyente.

Matatandaang naghain ng petisyon ang grupo ng mga civic leader na pinangunahan ni Fr. Christina Buenafe, at hiniling sa Comelec na kanselahin ang COC ni Marcos.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Inakusahan nito si Marcos ng material misrepresentation dahil sa umano'y pagsisinungaling nang panumpaan ang COC nito na kwalipikadosiyang kumandidato sa pagka-pangulo sa kabila ng hatol sa kanya ng korte sa kasong tax evasion.

Kamakailan, ibinasura na ng Comelec ang naturang petisyon.

Matapos na maibasura ang kanilang petisyon, nagpasaklolo naman ang mga ito sa SC kung saan inakusahan ng grave abuseof discretion ang Comelec.

Hiniling din ng mga ito sa Korte Suprema na ipatigil ang canvassing of votes at pagproklama ng presidente.

Bukod sa kampo ni Marcos, inatasan din ng SC ang Comelec, House of Representatives at Senado na maghain ng kanilang komento sa usapin.