Namahagi ang Parañaque City government ng fuel subsidy sa may 90 mangingisda sa lungsod nitong Martes, Mayo 31.

Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez na bukod sa fuel subsidy na nagkakahalaga ng P3,000, namahagi din ang pamahalaang lungsod ng 10 kilo ng bigas sa bawat benepisyaryo.

Ayon kay Mar Jimenez, Public Information Office (PIO) chief, ang pamamahagi ay ginanap sa Barangay Sto. Niño.

Sinabi ni Jimenez na kasama ni Olivarez ang mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-National Capital Region (BFAR-NCR) sa pamamahagi ng fuel subsidy at 10 kilo ng bigas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binigyan din ng fuel subsidy at 10 kilo ng bigas ang mga magsasaka sa lungsod.

Jean Fernando