Nakatakdang bumalik sa Philippine Basketball Association (PBA) si two-time Most Valuable Player (MVP) James Yap kahit hindi pa ito kabilang sa lineup Rain or Shine (ROS) Elasto Painters at layuning matulungan ang koponang makatuntong sa championship round.
Ipinangako ni Yap na sa pagbabalik nito sa aksyon ay mas mahusay na ito kaysa sa dati sa ikalawang bubble setup kung saanlimitado lamang ang kanyang laro.
“Hindi ako babalik kung alanganin condition ko. Medyo matagal na rin akong walang laro,” ang bungad ni Yap sa kanyang Instagram post.
Aminado naman si Yap na hanggang sa ngayon, hindi pa rin niya nakaharap ang mga bagong teammate na sinaGian Mamuyac, Shaun Ildefonso at Jhonard Clarito.
Aniya, sa mga naririnig nito ay mahuhusay na maglaro ang tatlo.
Pahayag ni Yap, anim na araw siyang pumupunta ng gym upang bumalik ang dating porma sa paglalaro.
“Nagpapakundisyon talaga ako dito. Sunday lang pahinga ko,” anito.
Binigyang-diin pa ni Yap, nais niyang maging laging handa sa pagbabalik nito sa liga at pangako sa sarili na madala sa championship series ang ROS.“Ang goal ko talaga is makapasok sa finals,” sabi pa ni Yap.