Muli umanong nagkita at nagpulong sina dating senador Manny Villar at si Wowowin host Willie Revillame kahapon, Mayo 31, para pag-usapan ang posibleng pagbubukas ng Advanced Media Broadcasting System o AMBS ngayong 2022.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, kasama ng dating senador ang anak niyang si Las Piñas House Representative Camille Villar nang sadyain nila ang Tagaytay residence ni Willie at doon lumapag sa helipad nito ang kanilang helicopter. Si Willie naman ay naka-helicopter nang salubungin niya ang mga ito.

Tumuloy umano sila sa Crossing Café sa Daanghari Road, Cavite, kasama na umano this time si AMBS President Beth Tolentino.

'Kababasa ng sulat sa MMK?' Charo Santos namalat, nawalan ng boses

manny villar camille villar willie revillame
Camille Vilar, Manny Villar, at Willie Revillame (Larawan mula sa PEP)

Mahalaga umano ang papel na gagampanan ni Willie dahil isa siya sa mga magpaplantsa umano ng magiging programming ng bagong network.

How true na papalitan na rin ang pangalan ng AMBS at gagawing ABS o All Broadcasting System? Ang Channel 2 kasi na naka-assign na ngayon sa AMBS ay dating frequency na ginagamit ng ABS-CBN, na ngayon ay namamayagpag pa rin naman sa pagiging digital TV at content provider, gayundin ang pakikipag-tie up nito sa A2Z Channel 11 at TV5.

Maugong din ang usap-usapang nabili na rin ni Villar ang transmitter na ginagamit ng ABS-CBN sa Luzon, at balak na ring bilhin ang transmitter sa Visayas at Mindanao.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina dating senador Villar, at maging si Willie, tungkol sa balitang ito.