Usap-usapan ngayon ang video clip ng 'biruan' nina ABS-CBN news anchor Karen Davila at Senadora Imee Marcos, nang kapanayamin ng batikang broadcaster ang kapatid ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., sa programang 'Headstart' ngayong Miyerkules, Hunyo 1.

Ang Headstart ay kilalang programa ni Karen tuwing umaga na mapapanood sa ABS-CBN News Channel.

Mapapanood sa kumakalat na video clip na akangiting ipinakilala ni Karen ang senadora sa kaniyang televiewers.

"Joining us this morning on Hot Copy, we have with us, this is gonna be a very colorful discussion. We have Senator Imee Marcos. Senator Marcos, good morning to you," pagpapakilala at pagbati ni Karen kay Sen. Imee.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Yes, good morning Karen. It’s nice to see you you’re still here in the Philippines," todo ang ngiting tugon ni Se. Imee kay Karen.

“Well, first of all, congratulations,” pagpapatuloy ni Karen, na nakangiti pa rin at composed sa sinabi sa kaniya ng senadora.

Subalit hindi pa rin nagpaawat ang senadora. “Akala ko magma-migrate ka pag nanalo ang Marcos.”

Hindi naman nagpaapekto si Karen. “Hoping always for the best for the country."

“Thank you very much. We need that UniTeam," ani Sen. Imee.

https://twitter.com/donvillar1/status/1531803148339204096

Sa YouTube channel naman ng ANC, ganito na umano ang panimula ni Karen sa kanilang panayam.

"Senator, first, congratulations. Congratulations to your brother, to UniTeam and to you as well.”

Sa ngayon ay nasa trending list na ang pangalan ni Karen sa Twitter world, na umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.