Umarangkada na nitong Miyerkules ang house-to-house vaccination sa mga sanggol bilang bahagi ng 'Chikiting BakuNation Days' ng Caloocan City government.
Ipinaliwanag ni City Mayor Oscar Malapitan, nag-iikot na sa 188 barangay sa lungsod ang mgakawani ng City Health Department upang mabakuhanan ang mga sanggolkontra sa tigdas, beke, polio, hepatitis at iba pa.
Hinikayat ng alkalde ang mga magulang na pabakunahanang kanilang mga anak para na rin sa proteksyon ng mga ito laban sa sakit.
“Ang City Health Department na ang lalapit atmagbabahay-bahay para hindi na sila pumunta pa sa mga health centers, lalo na ang mga malalayo,” ayon sa alkalde.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang alkalde sakanyang mga department heads na halos siyam na taong sumuporta sa kanya. Bababa na sa puwesto si Malapitan sa Hunyo 30 at hahalili sa kanya ang anak na si Mayor-elect Along Malapitan na nanalo sa eleksyon noong Mayo 9.