Hindi makapaniwala ang mga atleta ng Pilipinas na sumabak sa katatapos na 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam matapos doblehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibinigay na cash incentives sa mga ito.
Sa isang simpleng seremonya sa Malacañang nitong Miyerkules, pinangunahan ng Pangulo ang pagpaparangal sa mga atleta na isa-isa niyang ginawaran ng Order of Lapu-Lapu na may Rank of Kamagi.
Pinasalamatan din sila ni Duterte sa ibinigay nilang karangalan sa Pilipinas na nasa ikaapat na sa nakuhang 52 na gold medal, 70 silver medal at 104 bronze medal.
Sa batas, ang bawat atletang sumungkit ng gintong medalya ay tatanggap sa gobyerno ng P300,000, P150,000 naman sa pilak na medalya, at P60,000 naman sa tansong medalya.
Kinumpirma ng Philippine Sports Commission (PSC) na dinoble ng Pangulo ang cash incentives para sa mga nasabing atleta.