Paghahatian ng tatlong mananaya ang mahigit sa₱43.9milyong jackpot ng Regular Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson, General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng tatlong lotto winner ang six-digit winning combination na 25-20-29-07-21-02, kaya’t paghahatian nila ang katumbas nitong₱43,912,343.80.

Nabili ng mga nanalo ang kanilang winning tickets sa San Jose del Monte, Bulacan; Silang, Cavite at Sta. Rosa, Laguna.

Upang makubra naman ang napanalunan, kailangan lamang ng mga ito na magtungo sa PCSO Central Office sa Mandaluyong City at iharap ang mga nanalong ticketat dalawang valid identification (ID) cards.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang Regular Lotto 6/42aybinobolatuwing Martes, Huwebes at Sabado.