Sa huling araw ng programa ni Vice President Leni Robredo na Bayanihan E-Konsulta, taos pusong itong nagpasalamat sa mga volunteers ng programa na inilunsad noong Abril 2021.

Sa tweet ni Robredo, ibinahagi niya na nakapag-assist sila ng mahigit 58,000 cases ng COVID at non-COVID patients. Naging possible raw ito dahil sa 947 volunteer doctors at 1,761 call at chat agents.

Lubos na nagpasalamat si Robredo sa lahat ng mga nakasama nila sa kanilang programa maging ang mga natulungan ng Bayanihan E-Konsulta.

"Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng nakasama natin: sa ating volunteer doctors, call/chat agents, EMS teams, and to my OVP family," saad niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"At sa lahat ng mga kababayan na ating natulungan sa Bayanihan E-Konsulta, malaking karangalan po para sa amin na kayo ay mapaglingkuran," dagdag pa niya.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1531561923229417472

Ang Bayanihan E-Konsulta ay isang telecommunication medical services, sa tulong ng mga volunteer doctors, ay nagbigay ng online consultations sa mga outpatient, gayundin sa mga nahawaan ng Covid-19 ngunit mild lang ang ipinakitang sintomas.

Samantala, sa nalalapit ding pagtatapos ng termino ni Robredo bilang bise presidente, inanunsyo niya kamakailan na gagawin niyang non-government organization ang kaniyang Angat Buhay program upang makapagbigay pa ng tulong sa mga Pilipino.

Ilulunsad ito sa Hulyo 1, isang araw matapos ng pagbaba sa puwesto.

"Unang araw ng Hulyo, ilulunsad ang Angat Buhay NGO. Bubuuin ang pinakamalawak na volunteer center sa kasaysayan ng bansa."

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/05/31/salamat-sa-bulabog-tricia-robredo-hinubog-ng-bayanihan-e-konsulta-bilang-bagong-doktor/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/31/salamat-sa-bulabog-tricia-robredo-hinubog-ng-bayanihan-e-konsulta-bilang-bagong-doktor/