Kamakailan lamang ay umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang biro ni 'Eat Bulaga' host Joey De Leon tungkol sa pagkapanalo sa halalan nina President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte sa kaniyang latest tweet, ngayong Mayo 29, 2022.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/29/biro-ni-joey-de-leon-tungkol-sa-pagkapanalo-nina-bbm-sara-umani-ng-ibat-ibang-reaksiyon/">https://balita.net.ph/2022/05/29/biro-ni-joey-de-leon-tungkol-sa-pagkapanalo-nina-bbm-sara-umani-ng-ibat-ibang-reaksiyon/
"Bakit si BBM Presidente ngayon? Kasi after DU30, yung may 31 naman! After that, DU30 TOO! Gets?" ani Boss Joey.
Ang ibig sabihin, si BBM ay may 31 milyong boto, at ang VP niya ay si Sara Duterte na DU30 din ang pagpapaiksi. (30, 31, 32).
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Di nakakatawa ang joke na 'yan, sir. May galit ba kayo sa Pilipinas? Laspag na laspag na ang Inang Bayan, maawa naman kayo."
"That means they'll go back to school in 2034? What If Sands runs for president after Inday? He'll be 40 in 2034?"
"31M na Pilipinong bumoto kay BBM, kaya yung mayroong 31 naman daw. Then after nun yung DU32 kasi, 32M nakuhang votes ni VP Inday Sara."
"Nako sir tahan muna baka ma-cancel ka dami pa di naka-move on."
"Witty n'yo po talaga sir! Nakakagulat hahaha kaso masyado po itong masakit para sa kabila."
"Taba ng utak ni Sir Joey! Lodi talaga!"
"Funny yern? Para sa akin kasi hindi eh."
Kilala si Joey sa kaniyang mga hirit at biro na minsan ay namimisinterpret naman ng ilan.
Sa comment section, napansin ng mga netizen na nag-react dito si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, na dating katrabaho ni Joey sa noontime show na 'Eat Bulaga' bago lumipat sa ABS-CBN.
"OG Henyo🙌🏼🙌🏼🙌🏼" sey ni Toni.
Inulan naman ito ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Sa true lang, Toni!"
"OA mo…"
"Sabi nga ni @celestinegonzaga choose your battle. Don't fight with words, kasi if you do, you let other people affect you. Choose love, instead. Good vibes only."
"Nice comment, Toni!"