Tumestigo na sa hukuman ang isang prosecution witness at convicted murderer na si Joel Capones at itinangging nakipagtransaksyonsiya kay Senator Leila de Lima kaugnay ng umano'y paglaganap ng iligal na droga sa National Bilibid Prison (NBP).
“Sa aming cross examination, dalawang major points ang tingin namin na naipalabas namin kay Joel Capones.Una is inamin niya sa kanyang cross examination na wala siyang transaksyon at hindi niya kakilala si Senator De Lima at kung meron man siyang naging transaksyon, engaged sa illegal drug trade, ito ay kay Jaybee Sebastian lang,” pahayag ng abogado ng senador na si Filibon Racardonsa mga mamamahayag.
“Ang masakit nga lang dyan, dahil wala na, namatay na si Jaybee Sebastian, wala nang makakapag-suporta sa sinasabi niyang transaksyon niya tungkol sa ilegal na droga,” aniya.
Matatandaangikinulong si De Lima sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame noong Pebrero 2017 dahil sa umano'y pagkakadawit sa operasyon ng iligal na droga sa NBP noong 2016. Si De Lima ay kalihim pa ng DOJ nang isangkotito sa kaso.
Ilang beses nang itinanggi ng senador ang alegasyon.
Noong 2021, tumestigo sa korte si Capones at sinabing nakita umano niya si De Lima habang tumatanggap umano ng P1.4 milyongdrug money mula sa high-profile inmate na si Sebastian na binisita ng senador saNew Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong 2014.
“Hindi natin alam paano iyon na-interpret ng Korte, 'yung bago na testimony ni Joel Capones,” sabi ng abogado.
Kamakailan, iniurong nina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at Bureau of Corrections chief Rafael Ragos ang kanilang alegasyon laban sa senador at sinabi nilang "pinilit lamang umano sila upang idiin ang senador sa kaso."