Sumagot ang miyembro ng P-pop group na SB19 na si Ken “Felip” Suson at team nito ukol sa mga alegasyon ng plagiarism ng solo single nitong "Bulan," na ayon sa netizens ay hango sa Chinese popular music na "LIT" na awitin ng singer-songwriter na si Lay Zhang.

Ayon sa netizens, ang music video ng Bulan, na inilabas noong Mayo 28, ay panggagaya umano nang walang legal at pormal na pagbibigay credits nang ilabas ito.

National

Chavit Singson, di raw pabor kung sakaling pumasok ang ICC sa bansa

https://twitter.com/chelualu_/status/1531293825494585344

Samantala, sa pahayag na inilabas nina Felip at team nito, sinabi nito na nakarating sa kanila ang mga alegasyon ng mga netizen kaya naman nais nilang linawin ang kanilang panig at bigyang-linaw ang mga alalahanin ng mga tagahanga dahil naniniwala sila na ang ganitong uri ng isyu ay seryoso at kinakailangang tugunan.

Ani Felip, ang paglikha ng sining ay kadalasang dala ng inspirasyon, hindi maiiwasan para sa alinman sa kanya, o alinmang artist sa bagay na iyon, na magkaroon ng ilang pagkakatulad sa istilo sa ibang mga artist dahil madalas niyang ginagamit ang aking mga musical reference kapag lumilikha.

Dagdag pa niya na naibahagi naman niya sa mga panayam na ilan sa mga musical refence niya ay mula sa mga artist tulad nila Post Malone, Lay Zhang, One OK Rock, at Jaden Smith.

Ayon sa pahayag, bukod sa lyrics, ang music video ng Bulan ay ginawang metapora para sa totoong mga isyu sa mundo, habang nananatiling tapat sa karaniwang kaalaman kung ano ang nangyari sa mga karakter sa karamihan ng mga bersyon ng sinaunang lore.

Giit pa ng team, mabigat at responsableng sinaliksik si Bulan na ang mga detalye sa music video ay may kultural na batayan, na isinagawa nang may ilang mga pagkakaiba-iba upang hindi makasakit sa anumang kultura.

BASAHIN: Kantang ‘Bulan’ ni SB19 Ken, hango sa mayamang kultura ng bansa; MV nito, world class!

Detalyadong hinimay naman ng team nila ang umano'y pagkakapareho ng Bulan sa LIT.

"As many countries share similarities in culture due to early trading relations that date back to the pre-colonial period, it is highly likely that there really will be some points in history and culture where they intersect," pahayag ng team.

Gayunpaman, binibigyan din nila ng credit ang ground-breaking na konsepto ng Lay's Lit MV at kinikilala ito bilang isa sa maraming sanggunian na ginamit ng creative team.

Wala rin umano silang intensyong kopyahin ang gawa ni Lay.

Umalma naman ang netizens at sinabing dapat patawan ng legal charges ang umano'y pangongopya sa LIT, bilang respeto na rin sa artistry ni Lay.

Ang ilang netizens naman ay humiling na i-take down ang MV.

Wala pang sagot ang Lay Studio tungkol sa alegasyon.